Pumunta sa nilalaman

Kaliwa: Sina Sister Darya at Venera Dulova. Kanan: Si Brother Aleksandr Prianikov at ang asawa niyang si Anastasiya. Gitna: Si Sister Svetlana Zalyaeva

ENERO 20, 2022
RUSSIA

Sa Lunsod ng Karpinsk, Pagtitiwala kay Jehova at Matibay na Pananampalataya ang Nakatulong sa mga Kapatid

Sa Lunsod ng Karpinsk, Pagtitiwala kay Jehova at Matibay na Pananampalataya ang Nakatulong sa mga Kapatid

Malapit nang ibaba ng Karpinsk City Court ng Sverdlovsk Region ang hatol nito sa kaso nina Sister Darya Dulova, Venera Dulova, Brother Aleksandr Prianikov at ng asawa niyang si Sister Anastasiya Prianikova, at Sister Svetlana Zalyaeva. Wala pang hinihiling ang prosecutor na parusa para sa kanila

Time Line

  1. Enero 27, 2020

    Hinatulang nagkasala sina Aleksandr, Darya, at Venera sa magkakahiwalay na kaso laban sa kanila

  2. Pebrero 2020

    Isinampa ang ikalawang kasong kriminal kina Aleksandr, Darya, at Venera

  3. Marso 30, 2020

    Hinalughog ng mga awtoridad ang mga bahay ng mga akusado at kinumpiska ang kanilang elektronikong mga gadyet

  4. Mayo 19, 2020

    Isinama rin sina Anastasiya at Svetlana sa kriminal na kaso. Pinagbawalan silang umalis ng kanilang lugar

  5. Abril 29, 2021

    Nagsimula ang paglilitis

Profile

Habang patuloy na pinag-uusig ang ating mga kapatid sa Russia, nakakapagpatibay ng pananampalataya na makita ang maibiging pangangalaga at tulong ni Jehova sa kanila. Ang subók na pananampalataya nila ay nagdudulot ng “kapurihan at kaluwalhatian at karangalan” sa pangalan ni Jehova.—1 Pedro 1:7.