Pumunta sa nilalaman

Si Brother Semyon Baybak

NOBYEMBRE 25, 2020
RUSSIA

Semyon Baybak—Kabataang Brother na Lilitisin Bilang Kriminal Dahil sa Pananampalataya

Semyon Baybak—Kabataang Brother na Lilitisin Bilang Kriminal Dahil sa Pananampalataya

Iskedyul ng Paghatol

Sa Disyembre 18, 2020, * ilalabas ng Leninskiy District Court ng Rostov-on-Don ang hatol kay Brother Semyon Baybak. Hiniling ng prosecutor sa korte na sentensiyahan si Semyon ng apat-na-taóng suspended prison sentence.

Profile

Semyon Baybak

  • Ipinanganak: 1997 (Rostov-on-Don)

  • Maikling Impormasyon: May nakatatandang kapatid na lalaki at babae. Natutong mag-Chinese at naging tutor ng wikang ito. Mahilig magbasa at gumawa ng tula

  • Bata pa lang siya, nakilala na niya si Jehova dahil sa kaniyang mga magulang. Lumaking sumusunod sa payo ng Bibliya. Tumangging magsundalo dahil sa konsensiya. Naging janitor sa isang ospital ng mga bata mula 2015 hanggang 2017 bilang alternatibong serbisyo

Kaso

Noong Mayo 22, 2019, ni-raid ng mga pulis mula sa local center for counteracting extremism ang 13 bahay ng mga Saksi sa Rostov-on-Don. Mga dalawang linggo pagkatapos nito, noong Hunyo 6, 2019, sinampahan ng kasong kriminal si Semyon. Inaresto siya at ikinulong nang isang araw sa bilangguan bago siya ipa-house arrest ng isang korte. Noong una, walong linggo lang ito, pero na-extend ito nang pitong beses.

Kinasuhan ng mga awtoridad si Semyon dahil sa pakikibahagi sa mga relihiyosong pagtitipon at pagsasabi sa iba ng natutuhan niya sa Bibliya. Noong Nobyembre 2019, inakusahan din siya ng pagpopondo sa isang “ekstremistang” organisasyon.

Habang nagpapatuloy ang pang-uusig ng Russia sa ating mga kapatid, alam nating ilalaan ni Jehova, “ang Diyos ng kapayapaan,” ang lahat ng kailangan nila “para magawa . . . ang kalooban niya.”—Hebreo 13:20, 21.

^ Posible pang magbago.