AGOSTO 8, 2024
RUSSIA
‘Si Jehova ang Aking Kanlungan at Tagapagsanggalang’
Malapit nang ibaba ng Vyselkovskiy District Court of the Krasnodar Territory ang hatol nito sa kaso ni Sister Lyudmila Zinina. Wala pang hinihiling ang prosecutor na parusa para sa kaniya.
Profile
Gaya ni Lyudmila, gusto nating magkaroon ng matibay na pananampalataya sa ating Diyos, si Jehova, na hinding-hindi iiwan ang mga nagtitiwala sa kaniya.—Deuteronomio 31:6.
Time Line
Pebrero 13, 2022
Hinalughog ang bahay na tinitirhan nina Lyudmila, ng kaniyang asawa, at ng kanilang anak na si Irina
Mayo 23, 2023
Sinampahan ng kasong kriminal. Inakusahan ng pakikibahagi sa mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon dahil sa pagsasabi sa iba ng tungkol sa kaniyang mga paniniwala
Hunyo 9, 2023
Idinagdag ang pangalan ni Sister Lyudmila sa listahan ng mga ekstremista sa Russia
Hulyo 11, 2023
Hindi pinayagang umalis ng kanilang lugar
Pebrero 8, 2024
Nagsimula ang paglilitis