Pumunta sa nilalaman

Si Sister Anastasiya Guzeva at ang asawa niyang si Konstantin

ABRIL 2, 2021
RUSSIA

Sister Anastasiya Guzeva, Posibleng Makulong Dahil sa Kaniyang Pananampalataya

Sister Anastasiya Guzeva, Posibleng Makulong Dahil sa Kaniyang Pananampalataya

UPDATE | Korte sa Russia, Ibinasura ang Apela

Noong Disyembre 2, 2021, ibinasura ng Court of the Jewish Autonomous Region ang apela ni Sister Anastasiya Guzeva. Mananatili ang unang sentensiya sa kaniya. Hindi siya kailangang mabilanggo sa ngayon.

Noong Agosto 19, 2021, hinatulan ng Birobidzhan District Court of the Jewish Autonomous Region si Sister Guzeva ng 30-buwan na suspended prison sentence.

Profile

Anastasiya Guzeva

  • Ipinanganak: 1979 (Birobidzhan)

  • Maikling Impormasyon: Pinalaki siya, pati na ang dalawa niyang kapatid na lalaki, ng kanilang nanay na isang single mother. Noong bata pa siya, mahilig siyang magbasa, maglaro ng sports, at mag-ballroom dancing. Nang 10 taon na siya, nakita niya ang isang Bibliya sa bahay ng lola niya. Mula noon, gusto na niyang matuto tungkol sa Diyos. Nang dakong huli, nakipag-aral siya ng Bibliya, pati na ang nanay niya, sa mga Saksi ni Jehova. Sabay silang nabautismuhan noong 1995. Napangasawa niya si Konstantin noong 2001

Kaso

Ni-raid ng mga pulis ang apartment nina Anastasiya at Konstantin noong Mayo 2018. Sinampahan ng kasong “ekstremismo” si Konstantin noong Hulyo 2019 at si Anastasiya naman noong Pebrero 2020. May kabuoang 19 na kaso na isinampa laban sa 23 Saksi sa Jewish Autonomous Region.

Naging napakahirap ng buhay para kina Anastasiya at Konstantin dahil sa mga imbestigasyon. Dahil pinaratangan silang mga “ekstremista,” silang dalawa ay pinag-resign sa music school kung saan sila nagtatrabaho. Si Konstantin ay tumanggap ng dalawa’t-kalahating-taon na suspended prison sentence noong Pebrero 2021.

Sinabi ni Anastasiya kung ano ang nakatulong sa kaniya na magtiis: “Asahan mong pag-uusigin ka at isipin na kung ano ang gagawin mo sa mahihirap na sitwasyon. Halimbawa, kapag binabasa mo ang mga pangyayari noong huling araw ni Jesus sa lupa, pinag-isipan niya kung ano ang gagawin niya kapag inaresto siya, . . . kailan siya magsasalita, kailan siya tatahimik, at kung ano ang sasabihin niya kapag kailangan niyang magsalita.”

Sinabi ni Anastasiya na lalo niyang napahalagahan ang mga salita sa Roma 8:38, 39. Sabi niya: “May dahilan para magsaya. Mahal ako ni Jehova at ni Jesus na pinakamakapangyarihang mga persona sa buong uniberso. Ito ang tumutulong sa akin na magtiis at magkaroon ng lakas ng loob.”