Pumunta sa nilalaman

Si Sister Larisa Artamonova

PEBRERO 15, 2021
RUSSIA

Sister Larisa Artamonova, Hinatulan Dahil sa Pananampalataya Niya

Sister Larisa Artamonova, Hinatulan Dahil sa Pananampalataya Niya

Hatol

Noong Pebrero 12, 2021, ibinaba ng Birobidzhan District Court ng Jewish Autonomous Region ang hatol nito sa kaso ni Sister Larisa Artamonova. Bukod sa anim-na-taóng pagkabilanggo, magmumulta siya ng 10,000 rubles ($135 U.S.).

Profile

Larisa Artamonova

  • Ipinanganak: 1970 (Birobidzhan, Jewish Autonomous Region)

  • Maikling Impormasyon: Pinatay ang tatay niya noong tatlong taóng gulang pa lang siya. Nagtrabaho bilang pastry chef, graphic designer, at mananahi. Ikinasal noong 1990. May isang anak na lalaki, si Yevgeniy, na mayroong kakaibang sakit. May autoimmune disease si Larisa na nakakaapekto sa kaniyang mga kasukasuan. Pero kahit ganoon, aktibo pa rin siya—mahilig siyang magbisikleta, mag-skating at skiing, at magdrowing ng mga portrait

    Dahil napapansin niya na laganap ang kawalang-katarungan, kalungkutan, at kasamaan, nakipag-aral siya ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova. Nasagot ng Kasulatan ang mga tanong niya sa buhay at nagpabautismo noong 1995

Kaso

Noong Setyembre 25, 2019, nagsampa ang mga awtoridad sa Russia ng isang kasong kriminal laban kay Sister Larisa Artamonova. Kinasuhan din ang anak niya. Kasama sila sa 22 Saksi sa Jewish Autonomous Region na kinasuhan dahil sa pakikibahagi sa mga gawain ng isang “ekstremistang” organisasyon.

Hindi makapaniwala ang nanay niya at stepfather na sinentensiyahan siya ng halos anim-na-taóng pagkabilanggo dahil sa mga paniniwala niya—kasinghaba ng sentensiyang ipinataw sa pumatay sa tatay niya.

Bago ang pag-uusig sa Birobidzhan, naging abala silang mag-ina sa paglilingkod kay Jehova. Sinabi niya: “Kung magiging abala ka sa paglilingkod kay Jehova at papatibayin mo ang kaugnayan mo at ng pamilya mo sa Kaniya, mawawala ang takot mo.” Sinabi pa niya: “Ginagamit ni Satanas ang pag-uusig para isipin natin na mawawala ang kalayaan natin kung patuloy tayo sa mga gawain natin bilang Kristiyano. Pero ang totoo, tinitiyak sa atin ni Jehova na magiging malaya tayo kung gagawin natin ang mga itinuturo niya.”

Ang 22 kapatid natin na kinasuhan sa Birobidzhan ay makakasiguro na napapasaya nila si Jehova dahil nananatili silang tapat at nasasagot nila ang mga pagtuya ni Satanas.—Kawikaan 27:11.