AGOSTO 18, 2021
RUSSIA
Sister Viktoriya Verkhoturova, Nananatiling Masaya Kahit Sinampahan ng Kasong Kriminal
Time Line
Noong Nobyembre 29, 2021, sinentensiyahan ng Priokskiy District Court ng Nizhny Novgorod si Sister Viktoriya Verkhoturova ng apat-na-taóng suspended prison sentence. Hindi siya mabibilanggo sa ngayon
Hulyo 17, 2020
Pinagbawalang magbiyahe si Viktoriya
Marso 26, 2020
Sinampahan ng kasong kriminal si Viktoriya
Hulyo 17, 2019
Limang oras na hinalughog ng 10 pulis at ng imbestigador ang bahay niya. Inihiwalay nila si Viktoriya sa asawa niyang si Sergey sa ibang silid. Para matakot si Viktoriya, sinabi ng mga pulis na napakahirap ng buhay sa bilangguan
Profile
Sa kabila ng pag-uusig, nananatiling masaya ang mga kapatid natin sa Russia sa tulong ni Jehova. Alam natin na patuloy niyang paglalaanan ang mahal nating mga kapatid ng “kagalakan at kapayapaan.”—Roma 15:13.