Pumunta sa nilalaman

Mga kapatid sa Russia na mahigit 60 anyos at nahatulang may-sala dahil sa kanilang pananampalataya

AGOSTO 2, 2021
RUSSIA

Tapat na mga May-edad—Masaya Kahit Pinag-uusig

Tapat na mga May-edad—Masaya Kahit Pinag-uusig

Mula nang legal na ipagbawal ang mga Saksi ni Jehova sa Russia noong 2017, pinuntirya ng mga awtoridad ang mga kapatid sa buong bansa. Ang pinakabata ay 18 at ang pinakamatanda ay 89 anyos. Noong Hulyo 2021, 18 kapatid na edad 60 pataas ang nahatulan at pinarusahan dahil lang sa kanilang mapayapang pagsamba. Tatlo pa ang nasa bilangguan. a Binanggit ng 2021 Ikaapat na Update ng Lupong Tagapamahala ang nakakapangilabot na mga pagsalakay sa may-edad nating mga kapatid.

Paano natiis ng mahal nating may-edad nang mga kapatid ang pag-uusig na ito? Natutuwa kaming ibahagi sa inyo ang sinabi ng ilan sa ating tapat na mga kapatid.

Nagpapasalamat tayo sa mahuhusay na halimbawa ng tapat nating may-edad nang mga kapatid sa Russia. Ang kanilang matapang na paninindigan sa katuwiran ay karapat-dapat tularan, at higit sa lahat, pinapahalagahan ni Jehova.—Kawikaan 16:31.

a Si Sister Valentina Baranovskaya, edad 70, ay nahatulang makulong nang dalawang taon. Si Brother  Aleksandr Ivshin, edad 63, ay nahatulang makulong nang pito at kalahating taon. At si Brother Yuriy Savelyev, edad 68, ay nahatulang makulong nang anim na taon.