ABRIL 27, 2021
RUSSIA
Tatlong Brother Mula sa Lipetsk—Nililitis Dahil sa Kanilang Pananampalataya Pagkatapos Makulong ng 331 Araw
UPDATE | Ibinasura ng Korte ng Russia ang Apela
Noong Enero 20, 2022, ibinasura ng Lipetsk Regional Court ang apela nina Brother Viktor Bachurin, Aleksandr Kostrov, at Artur Netreba. Sa ngayon, pagbabayarin sila ng multa.
Noong Nobyembre 24, 2021, hinatulan ng Sovetskiy District Court ng Lipetsk sina Viktor, Aleksandr, at Artur, at bawat isa ay pinagmumulta ng 500,000 rubles ($6,700 U.S.). Pero pinagbabayad lang sila ng 300,000 rubles ($4,000 U.S.) dahil ibinawas ng korte ang panahong nakakulong sila. Hindi nila kailangang makulong.
Profile
Viktor Bachurin
Ipinanganak: 1962 (Pavlovsky Posad, Moscow Region)
Maikling Impormasyon: May asawa at dalawang anak at isang apong babae. Nagsimulang makipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova noong 1990’s at nabautismuhan noong 1992. Sa kasalukuyan, siya lang ang Saksi sa pamilya
Aleksandr Kostrov
Ipinanganak: 1961 (Sortavala, Republic of Karelia)
Maikling Impormasyon: Nagtrabaho bilang piloto, gas at electric welder, at electrician. Napangasawa si Larisa noong 1997. Mayroon silang dalawang anak. Nagretiro na at mahilig mag-fishing. Nabautismuhan noong 2002 pagkatapos maunawaan ang kahalagahan ng pamumuhay ayon sa katotohanan sa Bibliya
Artur Netreba
Ipinanganak: 1978 (Glodeni, Moldova)
Maikling Impormasyon: Napangasawa si Svetlana noong 1995 at may isang anak na babae. Lumipat ang pamilya sa Lipetsk para maghanap ng trabaho. Nagtatrabaho bilang sales manager. Nakumbinsi na nagkaroon ng kabuluhan ang kaniyang buhay nang sundin niya ang mga prinsipyo sa Bibliya. Nabautismuhan noong 2000
Kaso
Ni-raid ng mga pulis sa Lipetsk Region ang pitong bahay noong Disyembre 2, 2019. Naaresto sina Brother Viktor Bachurin, Aleksandr Kostrov, at Artur Netreba. Pinaratangan sila ng Federal Security Service (FSB) ng “matinding krimen laban sa batas” dahil sa pagdalo sa mga pulong ng kongregasyon at iba pang gawain may kaugnayan sa kanilang pagsamba. Ikinulong sila ng 331 araw bago pa man litisin.
Napansin ni Aleksandr na lalong tumibay ang pananampalataya niya kay Jehova habang nakakulong. Sinabi niya: “Sa ganitong mga pagsubok, makikita mong ang pangunahing pinagmumulan ng lakas mo ay si Jehova.”
Sinabi ni Artur kung ano ang determinado niyang gawin: “Determinado akong panatilihin ang kagalakan ko o pagiging positibo. Ipinapaalala ko sa sarili ko na pansamantala lang ito at na lagi akong aaliwin ng aking Ama. Nasaan man ako, may mga pagkakataon para ipakipag-usap ang tungkol sa ating banal na Diyos na si Jehova.”
Sinabi ni Viktor: “Si Jehova ang naging best friend ko habang pinagtitiisan ko ang sitwasyong ito. Lagi kong nararamdaman ang pag-ibig sa akin ni Jehova.”
Nagpapasalamat si Viktor sa lahat ng kapatid na tumulong sa asawa niyang di-Saksi habang nakakulong siya. “Tuwang-tuwa siya sa pagmamalasakit na ipinakita sa kaniya ng mga sister. Kumbinsido ako na napatotohanan ang mga kapamilya ko tungkol sa pag-ibig na makikita sa bayan ni Jehova,” ang sabi ni Viktor.
Alam natin na patuloy na aaliwin ni Jehova ang lahat ng kapatid na pinag-uusig sa Russia at sa iba pang bansa.—Isaias 51:12.