HUNYO 7, 2022
RUSSIA
Tiwala kay Jehova ang Nakatulong sa mga Kapatid na Magtiis
Malapit nang ibaba ng Babushkinskiy District Court ng Moscow ang hatol nito sa kaso nina Brother Ivan Chaykovskiy, Yuriy Chernyshev, Vitaliy Komarov, Sergey Shatalov, at Vardan Zakaryan. Wala pang hinihiling ang prosecutor na parusa para sa kanila.
Time Line
Nobyembre 24, 2020
Ni-raid ng mga pulis ng Russia ang di-kukulangin sa 20 bahay ng mga Saksi ni Jehova sa Moscow. Inilagay ng mga pulis sina Ivan, Yuriy, Vitaliy, at Sergey sa temporary detention center nang magkakahiwalay. Kinuhanan ng video ang paghalughog at ang interogasyon kay Yuriy at sa pamilya niya saka ito ipinalabas sa State television news channels
Nobyembre 26, 2020
Pinalaya si Sergey sa kulungan at inilagay sa house arrest. Si Vardan, na naospital dahil sa tinamong mga sugat noong pag-raid, ay inilipat sa temporary detention center na nakabukod
Nobyembre 27, 2020
Pinalaya ng korte sina Ivan, Yuriy, at Vitaliy sa temporary detention center at inilagay sa house arrest
Nobyembre 30, 2020
Pinalaya ng mga awtoridad si Vardan mula sa detention center at inilagay sa house arrest. Pagkatapos, nagsampa siya ng reklamo sa prosecutor’s office tungkol sa paggamit ng ilegal na panggigipit
Pebrero 16, 2022
Nagsimula ang paglilitis
Profile
Napapatibay tayong makita na malapit si Jehova sa ating mahal na mga kapatid at sa kanilang mga pamilya dahil sa kanilang pagsisikap na maging malapít sa kaniya.—Santiago 4:8.