Pumunta sa nilalaman

Itaas sa kaliwa: Si Brother Pyotr Filiznov. Ibaba sa kaliwa: Si Brother Andrey Vyushin. Kanan: Si Brother Aleksandr Kuznetsov at ang asawa niyang si Mariya

PEBRERO 13, 2023 | UPDATED: NOBYEMBRE 6, 2023
RUSSIA

UPDATE—APELA | Pinag-usig ang Tatlong Pamilya sa Yaroslavl

UPDATE—APELA | Pinag-usig ang Tatlong Pamilya sa Yaroslavl

Noong Oktubre 30, 2023, pinagaan ng Dzerzhinsky District Court of Yaroslavl ang hatol kina Brother Pyotr Filiznov at Andrey Vyushin dahil sa apela ng mga ito. Ang suspended sentence nila na anim at kalahating taon ay naging dalawa at kalahating taon na lang. Hindi nagbago ang sentensiya kay Brother Aleksandr Kuznetsov at sa asawa niyang si Mariya.

Noong Agosto 3, 2023, hinatulang may-sala ng Dzerzhinsky District Court of Yaroslavl si Brother Pyotr Filiznov; si Brother Aleksandr Kuznetsov at ang kaniyang asawa na si Sister Mariya Kuznetsova; at si Brother Andrey Vyushin. Tumanggap ng suspended prison sentence ang bawat isa sa kanila. Sina Andrey at Pyotr ay sinentensiyahan ng anim at kalahating taon; dalawa at kalahating taon naman para kina Aleksandr at Mariya. Hindi sila makukulong sa ngayon.

Profile

Kumbinsido tayo na, gaya ng apat na tapat na lingkod na ito ni Jehova, makakasama tayo sa mga ‘nagtitiwala kay Jehova at hindi natitinag.’—Awit 125:1.

Time Line

  1. Abril 13, 2021

    Inilagay sa temporary detention pagkatapos halughugin ng mga awtoridad ang mga bahay nila

  2. Abril 15, 2021

    Inilagay sa pretrial detention

  3. Hulyo 14, 2021

    Pinalaya mula sa pretrial detention at pinagbawalang magbiyahe

  4. Setyembre 9, 2022

    Nagsimula ang paglilitis