Pumunta sa nilalaman

Itaas na hanay (kaliwa pakanan): Si Brother Vladimir Ermolaev at ang asawa niyang si Valeriya; si Brother Sergey Kirilyuk at ang asawa niyang si Olga

Ibabang hanay (kaliwa pakanan): Si Brother Igor Mamalimov at ang asawa niyang si Natalya; si Brother Aleksandr Putintsev at ang asawa niyang si Galina

DISYEMBRE 20, 2021
RUSSIA

UPDATE | Apat na Brother ang Naghihintay ng Paglilitis Pagkatapos ng Walang-Katulad na Pag-raid sa mga Bahay sa Trans-Baikal Territory

UPDATE | Apat na Brother ang Naghihintay ng Paglilitis Pagkatapos ng Walang-Katulad na Pag-raid sa mga Bahay sa Trans-Baikal Territory

Noong Setyembre 20, 2022, hindi tinanggap ng Trans-Baikal Territory Court ang apela nina Brother Vladimir Ermolaev, Sergey Kirilyuk, Igor Mamalimov, at Aleksandr Putintsev. Nasa kulungan pa rin sina Vladimir, Igor, at Aleksandr. Hindi kailangang makulong ni Sergey sa ngayon.

Noong Hunyo 6, 2022, hinatulan ng Central District Court ng Chita sina Vladimir, Sergey, Igor, at Aleksandr. Pinatawan si Sergey ng anim-na-taóng suspended prison sentence. Sina Vladimir, Igor, at Aleksandr naman ay hinatulang mabilanggo nang anim at kalahating taon sa lalong madaling panahon.

Time Line

  1. Marso 16, 2021

    Nagsimula ang paglilitis ng korte

  2. Pebrero 2, 2021

    Opisyal na kinasuhan sina Vladimir, Sergey, Igor, at Aleksandr ng pag-oorganisa ng mga gawain ng isang ipinagbabawal na organisasyon

  3. Abril 3, 2020

    Pinalaya si Vladimir mula sa house arrest

  4. Pebrero 15, 2020

    Pinalaya si Sergey pagkatapos makulong nang limang araw

  5. Pebrero 12, 2020

    Pinalaya sina Igor at Aleksandr mula sa pagkakakulong. Dinagdagan nang 72 oras ang pagkakakulong kay Sergey. Si Vladimir ay pinatawan ng house arrest sa loob ng 52 araw

  6. Pebrero 10, 2020

    Ni-raid ng mga opisyal ng FSB ang 50 bahay ng mga Saksi ni Jehova sa Trans-Baikal Territory. Kasama sa mga ni-raid ang mga bahay ng mga Saksi na may-edad na at may kapansanan. Sa isang pamilya, binugbog ang isang Saksing menor de edad sa harap ng kaniyang nanay at nakababatang kapatid na babae. Isang brother ang pinahirapan. Pagkatapos ng mga isinagawang raid, ikinulong ng mga opisyal ang 10 brother, kasama sina Igor, Aleksandr, Sergey, at Vladimir

Profile

Tularan sana natin ang matibay na pananampalataya ng ating mahal na mga kapatid. Gaya ni Daniel at ng kaniyang tatlong kasama, “buo ang pasiya” nila na manatiling tapat kay Jehova sa kabila ng matinding panggigipit mula sa sekular na mga awtoridad.—Daniel 1:8.