Pumunta sa nilalaman

Brother Pavel Brilkov

NOBYEMBRE 15, 2023 | UPDATED: MARSO 13, 2024
RUSSIA

UPDATE—BINAGO ANG SENTENSIYA | “Determinado Akong Magtiwala kay Jehova”

UPDATE—BINAGO ANG SENTENSIYA | “Determinado Akong Magtiwala kay Jehova”

Noong Marso 12, 2024, binago ng Kemerovo Regional Court ang sentensiya kay Brother Pavel Brilkov pagkatapos niyang umapela. Pinalitan ng dalawang-taóng suspended prison sentence ang dating hatol sa kaniya na sapilitang pagtatrabaho. Hindi siya makukulong sa ngayon.

Noong Enero 15, 2024, hinatulan ng Central District Court of Prokopyevsk si Brother Pavel Brilkov ng puwersahang pagtatrabaho a sa loob ng dalawang taon at 10 buwan. Hindi siya makukulong sa ngayon.

Profile

Kahit nalulungkot tayo dahil sa pinag-uusig ang mahal nating mga kapatid, determinado tayong ‘matiyagang maghintay sa Diyos ng ating kaligtasan’ para sa mga pagpapalang ibibigay niya sa atin sa hinaharap.—Mikas 7:7.

Time Line

  1. Nobyembre 10, 2021

    Hinalughog ang bahay. Pinagtatanong sina Pavel at Vera

  2. Mayo 30, 2022

    Sinampahan ng kasong kriminal

  3. Marso 16, 2023

    Pinagbawalang magbiyahe

  4. Mayo 25, 2023

    Nagsimula ang paglilitis

a Kapag napatawan ng puwersahang pagtatrabaho ang isang tao, ang mga nasa awtoridad ang magbibigay ng trabaho sa kaniya at kukunin ang 5 hanggang 20 porsiyento ng sahod niya. Kung sa tingin ng mga nasa awtoridad ay hindi siya nakikipagtulungan o ayaw niyang magtrabaho, puwede siyang mabilanggo.