Pumunta sa nilalaman

Si Brother Andrey Sazonov

AGOSTO 26, 2021 | UPDATED: ENERO 12, 2024
RUSSIA

UPDATE—BINALIGTAD ANG HATOL | Brother na May Dalawang Anak, Posibleng Makulong Nang 15 Taon Dahil sa Pananampalataya

UPDATE—BINALIGTAD ANG HATOL | Brother na May Dalawang Anak, Posibleng Makulong Nang 15 Taon Dahil sa Pananampalataya

Noong Enero 11, 2024, binaligtad ng Regional Court of the Khanty-Mansi Autonomous Area—Yugra ang hatol nitong may-sala si Brother Andrey Sazonov. Ibabalik sa Uray City Court of the Khanty-Mansi Autonomous Area—Yugra ang kaso niya para muling litisin.

Time Line

  1. Noong Disyembre 24, 2021, hinatulan ng Uray City Court of the Khanty-Mansi Autonomous Area—Yugra si Brother Andrey Sazonov at pinagmumulta siya ng 500,000 ruble ($6,785 U.S.). Napapaharap sana siya sa 15-taóng pagkakabilanggo. Bagaman malungkot tayo sa hindi magandang hatol, natutuwa naman tayong malaman na hindi siya mabibilanggo

  2. Hunyo 22, 2020

    Nagsimula ang paglilitis kay Andrey

  3. Agosto 22, 2019

    Hindi na siya naka-house arrest pero may mga ipinagbawal sa kaniya ang korte, gaya ng pagbibiyahe

  4. Pebrero 26, 2019

    Inilipat siya sa house arrest

  5. Pebrero 6, 2019

    Pansamantala siyang idinitine sa isang facility, at makalipas ang dalawang araw, pagkatapos halughugin ang kaniyang lugar ng trabaho at sasakyan, inilipat siya sa pretrial detention center

  6. Enero 31, 2019

    Inakusahan siya ng “pag-oorganisa at pakikibahagi sa mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon”

Profile

Pinapahalagahan natin ang mabuting halimbawa ng ating mga kapatid sa Russia habang nagpapatuloy ang pag-uusig na ito. Alam nating patuloy silang ‘patatatagin at palalakasin’ ni Jehova.—Awit 138:3.