ENERO 27, 2020 | UPDATED: MARSO 17, 2023
RUSSIA
UPDATE—BINALIGTAD ANG HATOL | Korte ng Russia, Hinatulang Nagkasala si Brother Aleksandr Prianikov at Sina Sister Venera at Darya Dulova
Noong Marso 14, 2023, binaligtad ng Supreme Court ng Russian Federation ang hatol na ipawalang-sala si Brother Aleksandr Prianikov at sina Sister Venera at Darya Dulova. Iaapela ulit ang kaso nila.
Noong Marso 15, 2022, binaligtad ng Sverdlovsk Regional Court ang hatol laban kina Aleksandr, Venera, at sa anak niyang si Darya. Pero lahat sila ay nahaharap pa rin sa hatol na pagkakasala sa isa pang kaso.
Noong Enero 27, 2020, hinatulan ng Karpinsk City Court na nagkasala si Aleksandr, pati na sina Venera at Darya. Hindi mabibilanggo ang ating mga kapatid. Pero nagpataw ang korte ng suspended prison sentence na dalawa’t kalahating taon kay Brother Aleksandr Prianikov; dalawang taon kay Sister Venera Dulova; at isang taon kay Sister Darya Dulova. Magsusumite sila ng apela sa naging desisyon.