AGOSTO 16, 2023 | UPDATED: DISYEMBRE 5, 2023
RUSSIA
UPDATE—BINALIGTAD ANG HATOL | “Nagkakaisa Tayong Lahat”
Noong Disyembre 5, 2023, binaligtad ng Khabarovsk Territory Court ang hatol kina Sister Lyubov Kocherova at Lyubov Ovchinnikova. Ibabalik ang kaso nila sa Khabarovskiy District Court of the Khabarovsk Territory para muling litisin.
Noong Agosto 1, 2023, hinatulan ng Khabarovskiy District Court of the Khabarovsk Territory sina Sister Lyubov Kocherova at Lyubov Ovchinnikova. Pinatawan sila ng anim-na-taóng suspended prison sentence. Hindi sila ikukulong sa ngayon.
Profile
Ipinapaalala sa atin ng mga karanasan ng mga kapatid nating nagtitiis at nananatiling tapat sa kabila ng pag-uusig na ‘nagbibigay si Jehova ng lakas sa lahat.’—1 Cronica 29:12.
Time Line
2019-2020
Palihim na inirerekord ng mga awtoridad ang mga pag-uusap ng mga sister natin
Marso 3, 2022
Hinalughog ang bahay ni Lyubov Kocherova. Kinumpiska ang phone at computer niya
Mayo 26, 2022
Sinampahan ng kasong kriminal si Lyubov Kocherova
Mayo 28, 2022
Pinagtatanong si Lyubov Kocherova
Nobyembre 7, 2022
Sinampahan ng kasong kriminal si Lyubov Ovchinnikova. Pinagsama ang kriminal na mga kaso nilang dalawa
Enero 21, 2023
Muling hinalughog ang bahay ni Lyubov Kocherova
Abril 25, 2023
Nagsimula ang paglilitis