Pumunta sa nilalaman

Mula kaliwa pakanan: Sina Brother Yegor Baranov at Yen Sen Li i

AGOSTO 13, 2021 | UPDATED: MARSO 6, 2023
RUSSIA

UPDATE—BINAWASAN ANG SENTENSIYA | Brother Baranov at Li, Kalmado at Nagtitiwala kay Jehova

UPDATE—BINAWASAN ANG SENTENSIYA | Brother Baranov at Li, Kalmado at Nagtitiwala kay Jehova

Noong Marso 1, 2023, binawasan ng Khabarovsk Territory Court ang suspended prison sentence ni Brother Yegor Baranov at ginawang apat at kalahating taon dahil sa apela. Hindi niya kailangang makulong sa ngayon.

Noong Hunyo 6, 2022, hinatulan ng Vyazemskiy District Court sa Khabarovsk Territory si Yegor nang limang taon ng suspended prison sentence. Nakalulungkot, si Brother Yen Sen Li ay namatay bago matapos ang paglilitis.

Time Line

  1. Pebrero 2, 2021

    Nagsimula ang mga pagdinig ng korte sa kaso nina Yegor at Yen Sen

  2. Nobyembre 20, 2020

    Pinalaya si Yegor mula sa pretrial detention center pagkalipas ng 177 araw

  3. Agosto 26, 2020

    Kinuha ng Central District Court ng Khabarovsk ang kotse ni Yen Sen

  4. Mayo 29, 2020

    Ipinadala si Yegor sa isang pretrial detention center

  5. Mayo 26, 2020

    Sinampahan ng kasong kriminal sa Khabarovsk Territory sina Yegor at Yen Sen

Profile

Masayang-masaya tayo na patuloy na nagtitiwala kay Jehova ang ating mga kapatid, at alam nating palalakasin niya sila para makapagtiis.—2 Tesalonica 3:3.