Pumunta sa nilalaman

Si Sister Lyudmila Salikova

ENERO 31, 2022 | UPDATED: MARSO 27, 2023
RUSSIA

UPDATE—BINAWASAN ANG SENTENSIYA | Sister Lyudmila Salikova, Nakasumpong ng Lakas at Kaaliwan kay Jehova

UPDATE—BINAWASAN ANG SENTENSIYA | Sister Lyudmila Salikova, Nakasumpong ng Lakas at Kaaliwan kay Jehova

Noong Marso 23, 2023, inilabas ng Chelyabinsk Regional Court ang desisyon nito sa ikalawang apela ni Sister Lyudmila Salikova. Binawasan ng korte ang suspended prison sentence niya. Mula anim na taon ginawa itong dalawa at kalahating taon. Hindi niya kailangang makulong sa ngayon.

Noong Marso 17, 2022, hindi tinanggap ng Chelyabinsk Regional Court ang apela ni Lyudmila.

Noong Enero 20, 2022, hinatulang nagkasala ng Snezhinsk City Court ng Chelyabinsk Region si Lyudmila at pinatawan ng anim-na-taóng suspended prison sentence.

Time Line

  1. Nobyembre 2020

    Hinalughog ng mga pulis ang mga bahay ng apat na pamilya ng mga Saksi ni Jehova, kasama na ang bahay ni Lyudmila. Hinalughog din ng mga pulis ang lugar na pinagtatrabahuhan niya. Pagkatapos, sapilitan siyang pinagbitiw sa trabaho niya

  2. Agosto 26, 2021

    Kinasuhan si Lyudmila dahil sa pag-oorganisa ng mga pulong para sa isang ipinagbabawal na relihiyosong organisasyon at pag-aangkat ng ipinagbabawal na mga literatura

  3. Disyembre 8, 2021

    Nagsimula ang paglilitis

Profile

Patuloy na nakasusumpong ng lakas at kaaliwan kay Jehova ang mga kapatid natin sa Russia. Tinitiyak sa atin ng ating maibiging Diyos na kaniyang “bibigyan . . . ng katarungan ang mga walang ama at ang mga inaapi, para hindi na sila takutin pa ng mga hamak na tao sa lupa.”—Awit 10:18.