Pumunta sa nilalaman

Si Brother Aleksey Smelov

PEBRERO 3, 2022
RUSSIA

UPDATE | Brother Aleksey Smelov, Nakapagtiis sa Tulong ni Jehova

UPDATE | Brother Aleksey Smelov, Nakapagtiis sa Tulong ni Jehova

Noong Abril 21, 2022, hinatulang nagkasala ng Kondopoga City Court ng Republic of Karelia si Brother Aleksey Smelov. Pinagmulta siya ng 400,000 rubles ($5,012 U.S.).

Time Line

  1. Hulyo 23, 2019

    Sinampahan ng mga awtoridad ng kasong kriminal si Aleksey dahil sinasabi nilang isa siya sa mga lider ng isang ipinagbabawal na relihiyosong organisasyon at nakikibahagi siya sa pag-oorganisa ng mga pulong nito at “propagandang mga gawain”

  2. Hulyo 31, 2019

    Ni-raid ng mga opisyal ng FSB ang 15 bahay at pinagtatrabahuhan ng mga Saksi ni Jehova sa Kondopoga at Petrozavodsk. Pinasok ng mga opisyal na nagpanggap na mga tubero ang bahay ng mga Smelov at hinalughog ito. Dinala si Aleksey at ang asawa niyang si Irina sa tanggapan ng FSB at pinagtatanong. Nang maglaon, dinala si Aleksey sa headquarters ng FSB sa Petrozavodsk. Mga 11:30 p.m. nang palayain siya, pero pinagbawalan siyang pumunta sa ibang bayan

  3. Agosto 7, 2019

    Inakusahan ng mga awtoridad si Aleksey ng paglabag sa Part 1 ng Article 282.2 ng Criminal Code of the Russian Federation

  4. Abril 9, 2020

    Sinuspende ang imbestigasyon dahil sa COVID-19 pandemic

  5. Hunyo 8, 2020

    Muling nagsimula ang imbestigasyon

Profile

Gaya ni Aleksey, nagtitiwala tayo na patuloy na ‘ipapakita ni Jehova ang kaniyang lakas alang-alang’ sa lahat ng pinag-uusig.—2 Cronica 16:9.