NOBYEMBRE 5, 2021
RUSSIA
UPDATE | Brother Aleksey Yershov—Pinalakas ng Pagsamba Niya Kay Jehova
Noong Abril 7, 2022, binago ng Tomsk Regional Court ang unang sentensiya nito kay Brother Aleksey Yershov. Ginawa itong tatlong-taóng suspended prison sentence. Kaya agad siyang pinalaya sa bilangguan.
Noong Enero 19, 2022, hinatulan ng Severskiy City Court of the Tomsk Region si Aleksey at sinentensiyahang makulong nang tatlong taon. Agad siyang ikinulong.
Time Line
Hunyo 22, 2021
Isinampa ang kasong kriminal sa Severskiy City Court sa Tomsk Region
Marso 30, 2021
Inakusahan si Aleksey ng krimen batay sa mga video na inirekord ng isang tao na kunwaring interesadong mag-aral ng Bibliya sa loob nang mahigit isang taon
Hulyo 14, 2020
Ni-raid ng FSB (secret police ng Russia) at mga Investigative Committee agent ang bahay ni Aleksey sa loob nang pitong oras. Kinuha ng mga pulis ang mga bank card, elektronikong gadyet, Bibliya, passport, at mga Wi-Fi router
Profile
Patuloy na patitibayin at aaliwin ng pagbabasa ng Bibliya at panalangin ang mga kapatid natin sa Russia. Tinitiyak sa atin ng Awit 9:9, “Si Jehova ay magiging ligtas na kanlungan para sa mga inaapi, isang ligtas na kanlungan sa panahon ng pagdurusa.”