Pumunta sa nilalaman

Si Brother Andrey Kolesnichenko

NOBYEMBRE 24, 2021
RUSSIA

UPDATE | Brother Andrey Kolesnichenko—Napapatibay sa Pagmamasid sa mga Nilalang

UPDATE | Brother Andrey Kolesnichenko—Napapatibay sa Pagmamasid sa mga Nilalang

Noong Hunyo 30, 2022, binago ng Tomsk Regional Court ang hatol na apat-na-taóng pagkakulong ni Brother Andrey Kolesnichenko. Sa halip, binigyan siya ng apat-na-taóng suspended prison sentence. Agad siyang pinalaya.

Noong Enero 19, 2022, hinatulan ng Severskiy City Court ng Tomsk Region si Andrey at sinentensiyahang makulong nang apat na taon.

Time Line

  1. Hulyo 7, 2021

    Nagsimula ang paglilitis sa krimen

  2. Mayo 21, 2021

    Sinampahan ng kasong kriminal dahil sa pakikibahagi niya sa mga pulong ng mga Saksi ni Jehova

  3. Marso 25, 2021

    Nagsimula ang imbestigasyon sa kasong kriminal laban kay Andrey

  4. Hulyo 14, 2020

    Ni-raid ng mga secret police ng FSB ang anim na bahay ng mga Saksi ni Jehova sa Seversk, kasama na ang bahay ng mga Kolesnichenko

Profile

Nagkakaroon tayo ng kumpiyansa na “inihahayag ang salita ng Diyos nang walang takot” kapag binubulay-bulay natin ang halimbawa ng mga kapatid natin sa Russia habang patuloy silang nananalig kay Jehova.—Filipos 1:13, 14.