Pumunta sa nilalaman

Si Brother Dmitriy Terebilov kasama ang asawa niyang si Irina

AGOSTO 5, 2021
RUSSIA

UPDATE | Brother Dmitriy Terebilov, Posibleng Makulong sa Ikalimang Pagkakataon, Pero sa Pagkakataong Ito, Dahil sa Kaniyang Pananampalataya

UPDATE | Brother Dmitriy Terebilov, Posibleng Makulong sa Ikalimang Pagkakataon, Pero sa Pagkakataong Ito, Dahil sa Kaniyang Pananampalataya

Noong Setyembre 22, 2022, hindi tinanggap ng Second General Jurisdiction Court of Cassation ang ikalawang apela ni Brother Dmitriy Terebilov. Nananatili siya sa bilangguan.

Noong Enero 12, 2022, hindi tinanggap ng Kostroma Regional Court ang apela ni Brother Dmitriy Terebilov.

Time Line

  1. Setyembre 6, 2021

    Hinatulan ng Sverdlovskiy District Court sa lunsod ng Kostroma na nagkasala si Dmitriy at sinentensiyahang makulong nang tatlong taon. Inaresto siya agad pagkatapos ng hatol

  2. Setyembre 8, 2020

    Nagsimula ang paglilitis kay Dmitriy

  3. Mayo 25, 2020

    Opisyal na kinasuhan si Dmitriy at pinagbawalang umalis sa kanilang lugar

  4. Setyembre 19, 2019

    Hindi na magamit ni Dmitriy ang kaniyang pera sa bangko

  5. Hunyo 13, 2019

    Sinampahan ng kasong kriminal si Dmitriy dahil sa pamamahagi ng ipinagbabawal na literatura at dahil sa pakikibahagi sa mga pulong ng ipinagbabawal na organisasyon

  6. Hulyo 25, 2018

    Hinalughog ang bahay ni Dmitriy habang pauwi silang mag-asawa mula sa isang kombensiyon sa Moldova. Inaresto sila ng mga pulis at pinagtatanong pagdating na pagdating nila ng bahay

Profile

Habang patuloy na nararanasan ni Dmitriy ang kagalakang nagmumula sa ‘mga insulto dahil sa pangalan ni Kristo,’ nagtitiwala tayo na “ang espiritu ng kaluwalhatian, ang espiritu ng Diyos, ay nasa [kaniya].”—1 Pedro 4:14.