Pumunta sa nilalaman

Brother Sergey Belousov

ABRIL 1, 2022
RUSSIA

UPDATE | Brother Sergey Belousov, Ipinagtatanggol ang Pangalan ng Diyos

UPDATE | Brother Sergey Belousov, Ipinagtatanggol ang Pangalan ng Diyos

Noong Hunyo 30, 2022, ibinasura ng Tomsk Regional Court ang apela ni Brother Sergey Belousov. Hindi siya kailangang makulong sa ngayon.

Noong Abril 14, 2022, hinatulan ng Seversk City Court ng Tomsk Region si Sergey at pinatawan ng tatlong-taóng suspended prison sentence.

Time Line

  1. Hulyo 14, 2020

    Ni-raid ng mga opisyal ng FSB ang pitong bahay, kasama na ang bahay ni Sergey. Sa loob ng ilang buwan, palihim na inirekord ng isang ahente ng gobyerno na nagkukunwaring interesado sa Bibliya ang mga pulong ng kongregasyon bago ang pag-raid

  2. Marso 25, 2021

    Sinampahan ng kasong kriminal si Sergey

  3. Marso 30, 2021

    Pormal na kinasuhan si Sergey batay sa mga inirekord ng ahente ng gobyerno. Inakusahan si Sergey ng pakikibahagi sa mga serbisyong relihiyoso dahil sa paggamit ng mga tool sa online videoconferencing, gayundin ng pagkanta ng mga awit at pananalangin sa Diyos na Jehova

Profile

Gaya ni Sergey, habang pinupuri natin ang pangalan ni Jehova, kumbinsido tayo na “palalakasin Niya ang kaniyang bayan.”—Awit 148:13, 14.