Pumunta sa nilalaman

Si Brother Sergey Melnikov

MARSO 25, 2021
RUSSIA

UPDATE | Brother Sergey Melnikov, Sinabing Binigyan Siya ni Jehova ng “Lakas na Higit sa Karaniwan” Noong Nasa Detention Center Siya

UPDATE | Brother Sergey Melnikov, Sinabing Binigyan Siya ni Jehova ng “Lakas na Higit sa Karaniwan” Noong Nasa Detention Center Siya

Noong Mayo 12, 2022, hindi tinanggap ng Primorye Territory Regional Court ang apela ni Brother Sergey Melnikov. Hindi niya kailangang makulong sa ngayon.

 

Noong Pebrero 3, 2022, sinentensiyahan ng Ussuriyskiy District Court sa Primorye Territory si Sergey ng tatlong-taóng suspended prison sentence.

Profile

Sergey Melnikov

  • Ipinanganak: 1973 (Terney, Primorye Territory)

  • Maikling Impormasyon: Nagtrabaho siya bilang karpintero, bombero, mangingisda, at janitor. Mahilig maglaro ng hockey at volleyball noong kabataan siya. Nagpa-Bible study siya sa mga Saksi ni Jehova noong mga taóng 2000. Lumipat siya sa Ussuriysk noong 2003 at nabautismuhan nang taon ding iyon

Kaso

Noong Hunyo 2019, sinampahan ng kasong kriminal si Brother Sergey Melnikov. Inaresto siya ng mga awtoridad habang nakikipag-usap sa isang interesado sa Bibliya. Hinalughog din ng mga awtoridad ang bahay niya at kinumpiska ang laptop at cellphone niya.

Apat na buwang nasa pretrial detention si Sergey at 145 araw siyang naka-house arrest. May mga panahon na pakiramdam ni Sergey, parang hindi na niya kaya. Sa mga sandaling iyon, lagi niyang inaalala ang sinasabi sa 1 Corinto 10:13 at napapalakas siya nito. “Alam ko na pinahintulutan ni Jehova ang mga pagsubok na ito kasi alam niya na makakayanan ko ito,” ang sabi niya. “Binigyan ako ni Jehova ng ‘lakas na higit sa karaniwan.’”—2 Corinto 4:7.

Noong Pebrero 25, 2020, hindi na naka-house arrest si Sergey. Pero pinagbawalan siyang umalis sa lugar nila.

Habang hinihintay ang hatol ng korte, nagtitiwala tayo na patuloy na magiging “katulong at kalasag” si Jehova para kay Sergey at sa lahat ng kapatid natin sa Russia.—Awit 115:11.