AGOSTO 17, 2021
RUSSIA
UPDATE | Brother Vasiliy Meleshko, Ikaapat na Saksi ni Jehova na Mabilisang Nilitis at Sinentensiyahan sa Krasnodar Territory
Noong Hunyo 14, 2022, hindi tinanggap ng Fourth General Jurisdiction Court of Cassation ang ikalawang apela ni Brother Vasiliy Meleshko. Nananatiling nakabilanggo si Vasiliy dahil sa kaniyang pananampalataya.
Time Line
Noong Oktubre 7, 2021, hindi tinanggap ng Krasnodar Territory Court ang apela ni Brother Meleshko. Ipinatutupad pa rin ang dating hatol sa kaniya
Agosto 11, 2021
Sinentensiyahan ng Abinskiy District Court ng Krasnodar Territory si Vasiliy na mabilanggo nang tatlong taon pagkatapos ng dalawang araw na pagdinig sa korte. Mula sa korte ay dinala siya agad sa kulungan. Siya ang ikaapat na Saksi ni Jehova na mabilisang nilitis at hinatulang nagkasala ng korteng ito a
Agosto 10, 2021
Nagsimula ang paglilitis kay Vasiliy. Nang tanungin siya ng hukom, lakas-loob na sinabi ni Vasiliy na isa siyang aktibong Saksi ni Jehova
Hunyo 24, 2021
Ang dating mga pag-uusap nina Vasiliy at Brother Aleksandr Ivshin ay isinama sa listahan niya ng kriminal na mga gawain. Sinabi ng prosecutor na ang mga pag-uusap na ito ay tungkol sa relihiyosong mga bagay na may kaugnayan sa “paglilingkod sa Diyos na Jehova”
Abril 12, 2021
Opisyal na kinasuhan si Vasiliy dahil sa “pagbibigay at pakikinig ng mga lektyur batay sa relihiyosong literatura” at “pakikibahagi sa isang grupo sa pagtalakay ng relihiyosong mga aklat,” bukod pa sa ibang gawain
Abril 7, 2021
Noong 6:30 n.u., hinalughog ng tatlong armadong pulis, apat na imbestigador, at dalawang agent ang bahay nina Vasiliy at Zoya Meleshko. Pagkatapos, dinala nila si Vasiliy para imbestigahan. Kinuhanan siya ng litrato ng mga imbestigador sa harap ng bahay niya pati na sa gusali kung saan dating nagtitipon ang ating mga kapatid. Ginamit ng mga imbestigador ang mga litrato bilang “ebidensiya ng nagawang krimen.” Pinagbawalan siyang magbiyahe
Profile
“Masamang balita” ang mabilisang paglilitis at patuloy na pag-uusig sa mga kapatid natin sa Russia, pero alam nating mananatiling matatag at hindi natitinag si Vasiliy at ang pamilya niya na “nagtitiwala kay Jehova.”—Awit 112:7, 8.
a Si Brother Oleg Danilov ay sinentensiyahang makulong nang tatlong taon noong Marso 30, 2021. Si Brother Aleksandr Ivshin ay sinentensiyahang makulong nang pito at kalahating taon noong Pebrero 10, 2021. Si Brother Aleksandr Shcherbina naman ay sinentensiyahang makulong nang tatlong taon noong Abril 6, 2021.