Pumunta sa nilalaman

Si Brother Vitaliy Ilinykh

MAYO 10, 2021
RUSSIA

UPDATE | Brother Vitaliy Ilinykh, Napalakas ang Loob Dahil sa Halimbawa ng Iba

UPDATE | Brother Vitaliy Ilinykh, Napalakas ang Loob Dahil sa Halimbawa ng Iba

UPDATE | Brother Vitaliy Ilinykh, Napalakas ang Loob Dahil sa Halimbawa ng Iba

Noong Abril 15, 2022, sinentensiyahan ng Ussuriyskiy District Court sa Primorye Territory si Brother Vitaliy Ilinykh ng dalawang-taóng suspended prison sentence. Hindi siya kailangang mabilanggo sa ngayon.

Profile

Vitaliy Ilinykh

Ipinanganak: 1974 (Ussuriysk, Primorye Territory)

Maikling Impormasyon: Nagtapos sa isang paaralan para sa mga pulis at nagtrabaho sa internal affairs department. Matagal na niyang naiisip kung bakit namamatay ang tao at kung ano ang nangyayari kapag namatay ang isa. Nakipag-Bible study siya sa mga Saksi ni Jehova noong kalagitnaan ng 1990’s. Nabautismuhan siya noong 1999. Nagtatrabaho siya ngayon bilang tagalinis ng kalsada. Napangasawa niya si Irina noong 2006

Kaso

Noong Pebrero 2019, hinalughog ang bahay ni Brother Vitaliy Ilinykh dahil sa kasong kriminal na isinampa laban sa mga kapananampalataya niya sa lunsod ng Spassk-Dalniy. Noong Setyembre 18, 2019, sinimulan ng mga awtoridad sa Russia ang imbestigasyon laban kay Vitaliy. Noong Oktubre 23, 2019, hinalughog ulit ng mga pulis ang bahay niya, pero sa pagkakataong ito, inaresto nila siya at ikinulong sa detention facility nang dalawang araw. Habang nakakulong, nanalangin si Vitaliy kay Jehova. “No’ng nanalangin ako, nawala ang pag-aalala ko at naging payapa ang isip ko,” ang sabi ni Vitaliy.

Nang palayain siya, pinagbawalan siyang magbiyahe. Ang nanay niya, si Sister Olga Opaleva, ay hiwalay na nililitis sa ibang kaso.

Maraming natutuhan si Vitaliy sa karanasan niya. “Dati ko nang alam na hindi hinahayaan ni Jehova na masubok tayo nang higit sa makakaya natin. Pero ngayon, naranasan ko na ito mismo. Habang mas mahirap ang pagsubok na nararanasan natin, lalo tayong napapalapít kay Jehova,” sabi ni Vitaliy. “Si Jehova ang Magpapalayok, at kung pinapahintulutan niyang maranasan ko ang isang pagsubok, ibig sabihin, kontrolado niya rin ang sitwasyon. Kapag parang hindi ko na kayang tiisin ang pagsubok, kailangan ko nang magsumamo kay Jehova para sa ‘lakas na higit sa karaniwan.’”—2 Corinto 4:7.

Mahiyain si Vitaliy, pero napapalakas ang loob niya sa pagbubulay-bulay ng 1 Pedro 5:9. Napapatibay rin siya ng mga kapatid sa Russia na nagtitiis ng pag-uusig. Buong pagtitiwalang sinabi ni Vitaliy: “Anumang ipahintulot ni Jehova na maging desisyon ng korte sa kaso ko, . . . isang karangalang makapagpatotoo sa mga awtoridad sa mga huling araw na ito.”

Gaya ni Vitaliy, napapatibay tayo ng mga halimbawa ng pananampalataya at lakas ng loob ng maraming lingkod ni Jehova. At patuloy nating pinapasalamatan si Jehova dahil binibigyan niya tayo ng “bawat mabuting bagay para magawa . . . ang kalooban niya.”—Hebreo 13:20, 21.