OKTUBRE 5, 2021
RUSSIA
UPDATE | Brother Vitaliy Omelchenko, Napatibay ng Maibiging Payo Para Matiis ang Pag-uusig
Noong Setyembre 22, 2022, hinatulan ng Oktyabrskiy District Court of Murmansk si Brother Vitaliy Omelchenko. Pinagmulta siya ng 580,000 rubles ($9,526 U.S.).
Time Line
Enero 29, 2021
Isinampa sa korte ang kasong kriminal laban kay Vitaliy
Enero 20, 2020
Idinitine siya ng mga pulis para sa interogasyon. Nakulong nang dalawang araw bago pinalaya. Pinagbawalang makipag-usap sa iba pang kasama sa kaso at gumamit ng Internet
Disyembre 23, 2019
Sinimulan ng Investigative Committee of the Russian Federation sa Murmansk Region ang kriminal na kaso laban kay Vitaliy. Sinasabi ng mga awtoridad na ang krimen niya ay ang pagsasagawa ng kaniyang relihiyon bilang isang Saksi ni Jehova sa kaniya mismong bahay
Profile
Patuloy na ginagamit ni Vitaliy ang Bibliya para gabayan siya at patibayin. Talagang napapatibay tayo sa halimbawa niya.—Roma 15:4.