NOBYEMBRE 25, 2021
RUSSIA
UPDATE | Brother Yevgeniy Korotun—Pinapatibay ni Jehova
Noong Mayo 16, 2022, hindi tinanggap ng Tomsk Regional Court ang apela ni Brother Yevgeniy Korotun. Mananatili siyang nakabilanggo.
Noong Enero 20, 2022, hinatulan ng Severskiy City Court ng Tomsk Region si Yevgeniy at sinentensiyahang makulong nang pitong tao. Magsisimula agad ang sentensiya niya.
Time Line
Marso 31, 2021
Nag-umpisa ang paglilitis
Setyembre 7, 2020
Ikinulong siya bago pa litisin pagkatapos humarap sa korte
Hulyo 15, 2020
Inilagay siya sa house arrest
Hulyo 14, 2020
Ni-raid ng mga pulis ng FSB ang bahay ng anim na pamilya ng mga Saksi ni Jehova sa Seversk, kasama na ang bahay ng mga Korotun
Hulyo 13, 2020
Sinampahan ng kasong kriminal si Yevgeniy
2018–2019
Dalawang secret police ang nagpapanggap na interesado sa Bibliya at palihim na inirekord ang kanilang mga pag-uusap para gamiting ebidensiya laban kay Yevgeniy
Profile
Nagtitiwala tayo na tinutulungan ni Jehova ang pamilya Korotun at lahat ng naglilingkod sa kaniya nang tapat sa mahihirap na panahon.—Roma 15:5.
a Dahil kasalukuyang nakakulong si Brother Korotun bago pa man litisin, hindi posibleng makuha ang mga komento niya.