ENERO 13, 2022
RUSSIA
UPDATE | Brother Yevstigneev, Tapat na Nagtitiwala kay Jehova
Noong Agosto 1, 2022, ibinasura ng Nizhny Novgorod Regional Court ang apela ni Brother Kirill Yevstigneev. Hindi niya kailangang makulong sa ngayon.
Noong Mayo 12, 2022, hinatulan ng Leninskiy District Court sa Lunsod ng Nizhny Novgorod si Brother Kirill Yevstigneev at pinatawan ng tatlong-taóng suspended prison sentence.
Time Line
Oktubre 8, 2021
Nagsimula ang paglilitis. Ipinaliwanag ni Kirill sa hukom na ang pagtitipon ay isang social gathering, hindi relihiyosong pagtitipon
Agosto 24, 2021
Pinagbawalang magbiyahe si Kirill
Setyembre 2, 2020
Inakusahan si Kirill ng “pagpopondo sa ekstremistang mga gawain” dahil siya ang nag-asikaso sa pag-upa ng conference room
Hulyo 11, 2019
Inimbestigahan ng mga awtoridad si Kirill kasi siya ang nakapirma sa kontrata para sa paggamit ng conference room; hinalughog ang bahay niya
Hunyo 4, 2019
Inimbestigahan ng mga awtoridad ang iba pang mga kasama sa pagtitipon, pero hindi nila sinabi kung sino-sino ang mga ito
Abril 2019
Inupahan ni Kirill at ng ilang Saksi ni Jehova sa Nizhny Novgorod ang isang conference room para sa isang social gathering
Profile
Lalong lumalakas ang loob natin kapag naririnig natin ang lakas ng loob na ipinakita ni Kirill, ng asawa niya, at ng lahat ng tapat nating mga kapatid na pinag-uusig sa Russia at Crimea.—Filipos 1:13, 14.