HUNYO 1, 2022 | UPDATED: SETYEMBRE 6, 2023
RUSSIA
UPDATE—HINATULAN ANG MGA KAPATID | Nananatili Silang Matatag Dahil Nasa Panig Nila si Jehova
Noong Setyembre 5, 2023, hinatulan ng Nizhnekamsk City Court ng Republic of Tatarstan sina Brother Denis Filatov, Stanislav Klyuchnikov, at Dmitriy Yarchak at sinentensiyahan ng anim-na-taóng suspended prison sentence. Hindi sila makukulong sa ngayon.
Time Line
Nobyembre 18, 2020
Ni-raid ng mga opisyal ng FSG at mga pulis na may dalang baril ang bahay ng 12 pamilya ng mga Saksi ni Jehova sa lunsod ng Nizhnekamsk. Siyam na brother at tatlong sister ang dinala para sa interogasyon
Agosto 24, 2021
Matapos ang imbestigasyon, sina Denis, Stanislav, at Dmitriy ay pinagbawalang magbiyahe
Oktubre 7, 2021
Opisyal na kinasuhan sina Denis, Stanislav, at Dmitriy. Kinasuhan sila dahil sa “pag-awit ng pantanging mga awit, relihiyosong mga awit, at pananalangin”
Enero 27, 2022
Ang kasong kriminal ay inilipat sa Nizhnekamsk City Court ng Republic of Tatarstan
Profile
Habang patuloy na nagtitiwala ang ating mga kapatid sa lakas mula kay Jehova, tiyak na nadama nila ang gaya ng nadama ng salmistang si David: “Ito ang natitiyak ko: ang Diyos ay nasa panig ko.”—Awit 56:9.