Pumunta sa nilalaman

Si Brother Oleg Postnikov at ang asawa niyang si Agnessa

DISYEMBRE 23, 2021 | UPDATED: AGOSTO 29, 2023
RUSSIA

UPDATE—HINATULANG NAGKASALA ANG MAG-ASAWA | Mga Paglalaan ni Jehova—Nagbibigay ng Kapayapaan sa Pamilyang Postnikov

UPDATE—HINATULANG NAGKASALA ANG MAG-ASAWA | Mga Paglalaan ni Jehova—Nagbibigay ng Kapayapaan sa Pamilyang Postnikov

Noong Agosto 23, 2023, hinatulan ng Birobidzhanskiy District Court of the Jewish Autonomous Region sina Brother Oleg Postnikov at Sister Agnessa Postnikova. Si Oleg ay pinatawan ng limang-taón-at-anim-na-buwang suspended prison sentence habang si Agnessa naman ay pinatawan ng apat-na-taón-at-anim-na-buwang suspended prison sentence. Hindi sila makukulong sa ngayon.

Noong Oktubre 11, 2022, binaligtad ng Court of the Jewish Autonomous Region ang hatol na guilty sina Brother Oleg Postnikov at Sister Agnessa Postnikova. Lilitisin uli sila.

Noong Abril 25, 2022, hinatulang nagkasala ngBirobidzhanskiy District Court of the Jewish Autonomous Region sina Oleg at Agnessa. Pinatawan si Oleg ng lima-at-kalahating-taóng suspended prison sentence at limang taon naman kay Agnessa. Hindi nila kailangang makulong sa ngayon.

Time Line

  1. Pebrero 12, 2021

    Sinampahan ng FSB ng kasong kriminal si Agnessa. Ang mga Postnikov ay inakusahan ng pagbuo ng isang “kriminal” na grupo at pagsasabi sa iba ng tungkol sa “ekstremistang” mga tunguhin nito. Sina Oleg at Agnessa ay pinagbawalang umalis sa kanilang lugar, hindi rin sila puwedeng mag-withdraw ng pera sa kanilang mga bangko, at idinagdag ang pangalan nila sa listahan ng mga terorista sa Russia

  2. Pebrero 12, 2020

    Sinampahan ng FSB ng kasong kriminal si Oleg

Profile

Ang mga karanasang ito ay karagdagang katibayan na inihahanda ni Jehova ang kaniyang bayan para makapanatiling tapat sa kabila ng iba’t ibang pagsubok. Lagi nawa tayong magtiwala sa “tapat na pag-ibig at katapatan” ni Jehova.​—Awit 115:1.