Pumunta sa nilalaman

Si Brother Dmitriy Semenov at ang asawa niyang si Nadezhda

NOBYEMBRE 4, 2022
RUSSIA

UPDATE—HINATULANG NAGKASALA ANG MAG-ASAWA | Napatibay ang Pananampalataya Dahil sa mga Halimbawa sa Bibliya

UPDATE—HINATULANG NAGKASALA ANG MAG-ASAWA | Napatibay ang Pananampalataya Dahil sa mga Halimbawa sa Bibliya

Noong Nobyembre  8, 2022, hinatulang nagkasala ng Petropavlovsk-Kamchatskiy City Court of the Kamchatka Territory si Brother Dmitriy Semenov at ang asawa niyang si Nadezhda. Pareho silang pinatawan ng apat-na-taóng suspended prison sentence. Hindi nila kailangang makulong sa ngayon.

Time Line

  1. Setyembre 3, 2021

    Isang babae na nakausap nina Dmitriy at Nadezhda tungkol sa Bibliya ang nagbigay ng impormasyon sa FSB. Dahil sa impormasyong ibinigay nito, sinampahan sina Dmitriy at Nadezhda ng kasong kriminal. Inakusahan sila ng panghihikayat sa iba na sumama sa isang ekstremistang organisasyon at pakikibahagi sa mga gawain nito

  2. Setyembre 6, 2021

    Hinalughog ang apartment. Dinala para sa interogasyon at pinagbawalang magbiyahe

  3. Hulyo 26, 2022

    Nagsimula ang paglilitis

Profile

Gaya ng personal na nararanasan nina Dmitriy at Nadezhda, tinutulungan ni Jehova ang mga lingkod niya na maging malakas ang loob at matatag sa harap ng pag-uusig. Hinding-hindi niya sila iiwan.​—Josue 1:9.