Pumunta sa nilalaman

Si Brother Sergey Chechulin at ang asawa niyang si Yelena

MARSO 19, 2024 | UPDATED: ABRIL 23, 2024
RUSSIA

UPDATE—HINATULANG NAGKASALA ANG MAG-ASAWA | ‘Si Jehova ang Umaaliw sa Akin’

UPDATE—HINATULANG NAGKASALA ANG MAG-ASAWA | ‘Si Jehova ang Umaaliw sa Akin’

Noong Abril 22, 2024, hinatulan ng Petropavlovsk-Kamchatskiy City Court of the Kamchatka Territory si Brother Sergey Chechulin at ang asawa niyang si Sister Yelena Chechulina. Sinentensiyahan sila ng dalawang-taóng suspended prison sentence. Hindi sila makukulong sa ngayon.

Profile

Gaya nina Sergey at Yelena, pinapahalagahan din natin ang Salita ng Diyos. Pinatitibay tayo nito at binibigyan tayo ng karunungan na kailangan natin para manatili tayong tapat kapag may pagsubok.—Awit 19:7.

Time Line

  1. Setyembre 25, 2022

    Sinampahan ng kasong kriminal

  2. Oktubre 17, 2022

    Hinalughog ang bahay

  3. Setyembre 6, 2023

    Pinagbawalang umalis ng kanilang lugar

  4. Setyembre 7, 2023

    Pinagbawalang umalis ng kanilang lugar si Yelena

  5. Disyembre 26, 2023

    Nagsimula ang paglilitis