Pumunta sa nilalaman

Mula kaliwa pakanan: Sina Sister Nadezhda Anoykina, Lyubov Galaktionova, at Nailya Kogay; Brother Valentin Osadchuk; at sina Sister Nina Purge, Raisa Usanova, at Yelena Zayshchuk

SETYEMBRE 23, 2021
RUSSIA

UPDATE—HINDI TINANGGAP ANG APELA | Anim na Sister at Isang Brother ang Nagtiwala kay Jehova at sa mga Kapananampalataya Nila sa Panahon ng Paglilitis

UPDATE—HINDI TINANGGAP ANG APELA | Anim na Sister at Isang Brother ang Nagtiwala kay Jehova at sa mga Kapananampalataya Nila sa Panahon ng Paglilitis

Noong Setyembre 26, 2022, hindi tinanggap ng Primorye Territory Court ang apela nina Sister Nadezhda Anoykina, Lyubov Galaktionova, Nailya Kogay, Nina Purge, Raisa Usanova, at Brother Valentin Osadchuk. Hindi nila kailangang makulong sa ngayon.

Noong Hunyo 1, 2022, hinatulang may-sala ng Leninskiy District Court ng Vladivostok sina Nadezhda, Lyubov, Nailya, Nina, Raisa, at Valentin. Pinatawan ng dalawang-taóng suspended prison sentence ang mga sister. At anim na taon naman para kay Valentin. Sinuspende ang kaso laban kay Sister Yelena Zayshchuk na 87 years old kasi may malala siyang sakit.

Time Line

  1. Enero 19, 2021

    Inilipat sa Leninskiy District Court ng Vladivostok ang kasong kriminal

  2. Nobyembre 12, 2019

    Ibinalik ang kasong kriminal sa prosecutor’s office

  3. Abril 5, 2019

    Pagkatapos ng 274 na araw sa pretrial detention center, pinalaya na rin si Valentin, ang nag-iisang brother na kasama sa kasong ito. Ipina-house arrest siya

  4. Abril 19, 2018

    Hinalughog ng mga opisyal ng Federal Security Service (FSB) ang bahay ng pitong Saksi

  5. Abril 9, 2018

    Kinasuhan ng Investigation Department ng FSB para sa Primorsky Territory si Valentin at ang anim na sister

Profile

Patuloy tayong napapatibay ng magagandang halimbawa ng ating mahal na mga kapatid sa Russia. Napapatunayan nilang sila ang uri na may pananampalataya na makapagliligtas ng buhay.—Hebreo 10:39.