DISYEMBRE 30, 2021
RUSSIA
UPDATE—HINDI TINANGGAP ANG APELA | Brother Nikolayev, Panatag Dahil Nagtitiwala kay Jehova
Noong Oktubre 20, 2022, hindi tinanggap ng Krasnodar Territory Court ang apela ni Brother Aleksandr Nikolayev. Nakakulong pa rin siya.
Time Line
Disyembre 23, 2021
Hinatulang nagkasala ng Abinskiy District Court ng Krasnodar Territory si Aleksandr at sinentensiyahang makulong nang dalawang taon at anim na buwan
Setyembre 30, 2021
Inilagay sa temporary detention
Agosto 4, 2021
Nagsimula ang paglilitis sa krimen
Mayo 26, 2021
Inakusahan ng pakikipag-uusap tungkol sa Bibliya sa pamilya at mga kaibigan, na itinuturing ng mga imbestigador na “isang krimen laban sa saligan ng konstitusyon at seguridad ng estado”
Abril 7, 2021
Noong 6:00 n.u., hinalughog ng mga opisyal na FSB, kasama ng riot police, ang bahay ng mga Nikolayev. Isinama si Aleksandr para sa interogasyon at pinalaya kalaunan
Marso 31, 2021
Sinampahan ng kasong kriminal si Aleksandr
Profile
Nagtitiwala tayo na si Aleksandr at ang lahat ng tapat nating mga kapatid sa Russia at Crimea ay pagpapalain dahil umaasa sila at nagtitiwala kay Jehova.—Jeremias 17:7.