OKTUBRE 27, 2021
RUSSIA
UPDATE—HINDI TINANGGAP ANG APELA | “Si Jehova ang Naging Tagapagsanggalang Ko”
Noong Nobyembre 1, 2022, hindi tinanggap ng Primorye Territory Court ang apela ni Sister Liya Maltseva. Hindi niya kailangang makulong sa ngayon.
Noong Setyembre 20, 2022, hinatulan ng Partizansk City Court of the Primorye Territory si Liya at pinatawan ng suspended prison sentence na dalawang taon at tatlong buwan.
Time Line
Hunyo 22, 2021
Nagsimula ang paglilitis kay Liya
Agosto 18, 2020
Ni-raid ng FSB, secret police ng Russia, ang bahay ni Liya at kinuha ang ilang Bibliya niya, mga reperensiyang aklat, at telepono. Dinala siya sa Investigative Department para pagtatanungin
Hulyo 9, 2020
Isinama ng Federal Financial Monitoring Service of the Russian Federation si Liya sa listahan ng mga terorista at ekstremista
Hunyo 1, 2020
Sinampahan ng kasong kriminal si Liya sa ilalim ng Criminal Code of the Russian Federation. Inakusahan siya ng pakikibahagi sa mga gawain ng isang ipinagbabawal na relihiyosong organisasyon
Profile
Napapatibay tayo ng mahusay na halimbawa ng pagtitiis ni Liya at nagtitiwala tayo na patuloy siyang pagpapalain ni Jehova dahil sa kaniyang katapatan.—1 Samuel 26:23.