Pumunta sa nilalaman

Mula kaliwa pakanan: Sina Brother Vladimir Chesnokov, Vladimir Dutkin, at Valeriy Yakovlev

ENERO 7, 2022
RUSSIA

UPDATE | Humaharap sa Korte Sina Brother Vladimir Chesnokov, Vladimir Dutkin, at Valeriy Yakovlev Dahil sa Kanilang Pananampalataya sa Diyos

UPDATE | Humaharap sa Korte Sina Brother Vladimir Chesnokov, Vladimir Dutkin, at Valeriy Yakovlev Dahil sa Kanilang Pananampalataya sa Diyos

Noong Abril 13, 2022, ibinasura ng Korte Suprema ng Chuvash Republic ang apela nina Brother Vladimir Chesnokov, Vladimir Dutkin, at Valeriy Yakovlev. Ipapataw na ngayon sa kanila ang multa.

Noong Pebrero 10, 2022, hinatulan ng Kalininskiy District Court ng Cheboksary sina Brother Chesnokov, Dutkin, at Yakovlev. Pinagmulta si Brother Dutkin ng 500,000 ruble ($6,715 U.S.), at sina Brother Chesnokov at Yakovlev ay pinagmulta bawat isa ng 400,000 ruble ($5,372 U.S.). Hindi sila kailangang makulong sa ngayon.

Time Line

  1. Hunyo 7, 2021

    Sina Vladimir Chesnokov at Valeriy Yakovlev ay isinama sa listahan ng mga may kasong kriminal

  2. Disyembre 30, 2020

    Si Vladimir Dutkin ay inakusahan ng isang krimen at pinagbawalang maglakbay

  3. Nobyembre 25, 2020

    Sinampahan ng kasong kriminal si Vladimir Dutkin, at hinalughog ang bahay niya. Dinala siya para pagtatanungin

Profile

Nakatulong sa ating mga kapatid ang pagbabasa at pagbubulay-bulay ng Salita ng Diyos para maharap ang mga hamon sa araw-araw at maranasan ang proteksiyon ni Jehova bilang “kanlungan sa araw ng kapahamakan.”—Awit 27:5.