DISYEMBRE 14, 2023 | UPDATED: ENERO 30, 2024
RUSSIA
UPDATE—IKINULONG ANG MGA KAPATID | “Napakahalagang Magtiwala kay Jehova”
Noong Enero 25, 2024, hinatulan ng Samarskiy District Court of Samara sina Brother Aram Danielyan, Denis Kuzyanin, Sergey Polosenko, at Nikolay Vasiliyev. Lahat sila ay sinentensiyahan ng pitong-taóng pagkabilanggo. Agad silang kinuha sa korte at ibinilanggo.
Profile
Kumbinsido tayo na patuloy na aaliwin ni Jehova ang lahat ng nagdurusa dahil sa kanilang pananampalataya habang ‘pinatatatag sila na gumawa at magsalita ng mabubuting bagay.’—2 Tesalonica 2:16, 17.
Time Line
Disyembre 14, 2021
Sinampahan ng kasong kriminal sina Denis, Nikolay, at Sergey
Disyembre 15, 2021
Hinalughog ang bahay nina Denis, Nikolay, at Sergey. Idinitine at ikinulong sa pansamantalang detention center
Disyembre 16, 2021
Inilipat sina Denis, Nikolay, at Sergey sa isang pretrial detention center
Enero 6, 2022
Sinampahan ng kasong kriminal si Aram. Inaresto sa airport
Enero 7, 2022
Ikinulong si Aram sa pretrial detention center
Disyembre 12-14, 2022
Pinalaya sa kulungan ang apat na brother at pinagbawalang umalis ng kanilang lugar
Hunyo 16, 2023
Nagsimula ang paglilitis