ENERO 26, 2022 | UPDATED: HUNYO 27, 2023
RUSSIA
UPDATE—IKINULONG ANG MGA KAPATID | Pagtulong sa Iba at Pagtitiwala kay Jehova ang Nagpapalakas sa mga Kapatid sa Tynda
Noong Hunyo 23, 2023, hinatulan ng Tyndinskiy District Court of the Amur Region sina Brother Vladimir Bukin, Mikhail Burkov, Valeriy Slashchev, at Sergey Yuferov. Sinentensiyahan si Mikhail na mabilanggo nang anim na taon at dalawang buwan. Pare-pareho namang nahatulan sina Vladimir, Valeriy, at Sergey na mabilanggo nang anim na taon at apat na buwan. Agad na ibinilanggo ang apat na kapatid.
Noong Disyembre 27, 2022, binaligtad ng Amur Regional Court ang hatol na pagkabilanggo kina Vladimir, Mikhail, Valeriy, at Sergey. Muli silang haharap sa paglilitis. Pinalaya sila pero pinagbawalang umalis sa Amur Region.
Noong Oktubre 25, 2022, hinatulan ng Tyndinskiy District Court of the Amur Region sina Vladimir, Mikhail, Valeriy, at Sergey. Sina Vladimir, Valeriy, at Sergey ay hinatulang mabilanggo nang tig-anim na taon at anim na buwan. Si Mikhail ay hinatulang mabilanggo nang anim na taon at dalawang buwan. Mula sa hukuman, agad na ikinulong ang apat na kapatid.
Time Line
Nobyembre 17, 2019
Hinalughog ng mga pulis ang mga bahay ng walong pamilyang Saksi ni Jehova sa lugar na iyon, kasama na ang mga bahay ng apat na brother
Nobyembre 18, 2019
Kinasuhan ng mga imbestigador ang apat na brother ng pagiging ekstremista. Inilagay sila sa probation at pinagbawalang umalis ng kanilang lugar
Hulyo 26, 2021
Nagsimula ang paglilitis
Profile
Nagtitiwala tayo na patuloy na ‘magpapakita si Jehova ng tapat na pag-ibig’ sa mahal nating mga kapatid at sa lahat ng tapat na lingkod niya.—Genesis 39:21.