Pumunta sa nilalaman

Mula kaliwa pakanan: Si Brother Roman Mareyev; si Brother Anatoliy Marunov; at si Brother Sergey Tolokonnikov at ang asawa niyang si Mariya

PEBRERO 10, 2023| UPDATED: HULYO 14, 2023
RUSSIA

UPDATE—IKINULONG ANG MGA KAPATID | Tatlong Brother ang Nililitis sa Isang Korte sa Moscow

UPDATE—IKINULONG ANG MGA KAPATID | Tatlong Brother ang Nililitis sa Isang Korte sa Moscow

Noong Hulyo 12, 2023, hinatulan ng Savelovskiy District Court of Moscow sina Brother Roman Mareyev, Anatoliy Marunov, at Sergey Tolokonnikov. Si Roman ay sinentensiyahang mabilanggo nang apat na taon at anim na buwan. Hinatulan naman si Anatoliy ng anim na taon at anim na buwan. At si Sergey naman ay hinatulan ng limang taon. Agad na ikinulong si Anatoliy mula sa hukuman. Nasa detention center na sina Roman at Sergey.

Profile

Nagpapasalamat tayo sa mga halimbawa ng pananampalataya nina Roman, Anatoliy, at Sergey. Nagtitiwala rin tayo na anumang mahirap na sitwasyon ang pagdaanan natin, ‘hindi tayo matatakot’ dahil alam nating kasama natin si Jehova.​—Awit 23:4.

Time Line

  1. Oktubre 20, 2021

    Hinalughog ng mga awtoridad ang walong bahay ng mga Saksi ni Jehova sa Moscow. Sinampahan ng kasong kriminal sina Roman, Anatoliy, at Sergey. Inakusahan sila ng pag-oorganisa ng mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon at panghihikayat sa iba na makibahagi sa mga gawaing ito. Inilagay silang tatlo sa temporary detention

  2. Oktubre 22, 2021

    Dinala sina Roman at Sergey sa pretrial detention. Inilagay naman si Anatoliy sa house arrest

  3. Hunyo 17, 2022

    Nagsimula ang paglilitis

a Noong inihahanda ang artikulong ito, si Brother Tolokonnikov ay nasa pretrial detention at hindi posibleng hingan ng komento. Pinanatili ni Sister Pankova ang apelyido niya noong dalaga pa siya pagkatapos mag-asawa.