Pumunta sa nilalaman

Mula kaliwa pakanan: Si Brother Rinat Kiramov at ang asawa niya, si Galina; si Brother Sergey Korolev at ang asawa niya, si Yekaterina; at si Brother Sergey Kosyanenko at ang asawa niya, si Olga

MARSO 29, 2023 | UPDATED: ABRIL 18, 2023
RUSSIA

UPDATE—IKINULONG ANG MGA KAPATID | Tinutulungan ni Jehova ang mga Kapatid Natin na Naka-detain

UPDATE—IKINULONG ANG MGA KAPATID | Tinutulungan ni Jehova ang mga Kapatid Natin na Naka-detain

Noong Abril 17, 2023, hinatulan ng Ahktubinskiy District Court of the Astrakhan Region sina Brother Rinat Kiramov, Sergey Korolev, at Sergey Kosyanenko at sinentensiyahan ng tigpipitong taon sa bilangguan. Nasa pretrial detention na sila mula pa noong Nobyembre 2021 at nananatili roon.

Profile

Nakakapagpatibay malaman na patuloy na patutunayan ni Jehova na siya ang kanlungan ng tapat na mga lingkod niya, at na nakasuporta sa atin ang “walang-hanggang mga bisig niya.”—Deuteronomio 33:27.

Time Line

  1. Nobyembre 9, 2021

    Sinampahan ng kasong kriminal. Hinalughog ng mga pulis ang 15 bahay ng mga Saksi ni Jehova sa Akhtubinsk at Znamensk, pati na ang mga bahay nina Brother Kiramov, Korolev, at Kosyanenko

  2. Nobyembre 10, 2021

    Inaresto si Sergey Korolev

  3. Nobyembre 11, 2021

    Inaresto sina Rinat Kiramov at Sergey Kosyanenko. Dinala ang tatlong brother sa pretrial detention

  4. Nobyembre 14, 2022

    Nagsimula ang paglilitis

a b Hindi posibleng makuha ang personal na mga komento nina Brother Kiramov at Kosyanenko.