Pumunta sa nilalaman

Sina Brother Yevgeniy Bitusov at Leonid Druzhinin

NOBYEMBRE 30, 2022 | UPDATED: DISYEMBRE 29, 2022
RUSSIA

UPDATE—MGA BROTHER NA IBINILANGGO | Tumibay ang Kanilang Espirituwalidad

UPDATE—MGA BROTHER NA IBINILANGGO | Tumibay ang Kanilang Espirituwalidad

Hinatulan ng Zeyskiy District Court of the Amur Region sina Brother Yevgeniy Bitusov at Leonid Druzhinin. Nahatulan ng anim-na-taóng pagkabilanggo si Brother Bitusov. Si Brother Druzhinin naman ay anim at kalahating taon. Mula sa hukuman, deretso sila sa kulungan.

Profile

Ipinagmamalaki natin ang mga kapatid natin na patuloy na pinapatunayan ang kanilang sarili na mga ministro ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang pagtitiis at pasensiya.—2 Corinto 6:3-10.

Time Line

  1. Marso 21, 2019

    Hinalughog ng mga pulis ang mga bahay ng maraming pamilyang Saksi ni Jehova sa Zeya, kasama na ang bahay nina Yevgeniy at Leonid

  2. Agosto 10, 2020

    Sinampahan ng kasong kriminal

  3. Oktubre 13, 2020

    Hinalughog ng mga pulis ang mga bahay nina Yevgeniy at Leonid sa ikalawang pagkakataon. Idinitine si Leonid at sumailalim sa interogasyon sa loob ng dalawang oras

  4. Hunyo 20, 2022

    Nagsimula ang paglilitis