ABRIL 20, 2022
RUSSIA
UPDATE | Maksim Zavrazhnov, Nananatiling Positibo
Noong Mayo 30, 2022, hinatulan ng Moskovskiy District Court of the City of Nizhny Novgorod si Brother Maksim Zavrazhnov at pinatawan ng anim-na-taóng suspended prison sentence. Hindi pa siya kailangang makulong ngayon.
Time Line
Hunyo 4, 2019
Nagsimula ang imbestigasyon ng mga awtoridad
Hulyo 17, 2019
Inakusahan ng mga awtoridad ng pag-oorganisa ng ekstremistang mga gawain. Inaresto, pinagtatanong, at magdamag na ikinulong
Hulyo 18, 2019
Pinagbawalang gumamit ng telepono o Internet at hindi siya puwedeng umalis ng bahay mula 9:00 p.m. hanggang 9:00 a.m.
Pebrero 3, 2020
Inalis ang pagbabawal
Pebrero 26, 2020
Pinagbawalang umalis ng kanilang lugar
Disyembre 6, 2021
Nagsimula ang paglilitis
Profile
Habang patuloy na pinag-uusig ang mahal nating mga kapatid sa Russia at Crimea, lalong tumitibay ang pagtitiwala natin kay Jehova. Alam natin na hindi niya kailanman iiwan ang mga tapat sa kaniya.—Hebreo 13:5.