NOBYEMBRE 24, 2022 | UPDATED: MAYO 30, 2023
RUSSIA
UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | Determinadong Manatiling Aktibo sa Paglilingkod kay Jehova sa Kabila ng Pag-uusig
Noong Mayo 29, 2023, hinatulan ng Industrialny District Court ng Barnaul, Altai Territory si Brother Pavel Kazadaev at pinatawan ng tatlong-taóng suspended prison sentence. Hindi niya kailangang makulong sa ngayon.
Profile
Nakakapagpatibay ng pananampalataya na makitang masigasig na naglilingkod ang bayan ni Jehova at nananatiling masaya sa kabila ng mga pagsubok.—Mateo 5:11.
Time Line
Mayo 11, 2021
Sinampahan ng kasong kriminal
Mayo 27, 2021
Hinalughog ng mga pulis ang apartment ni Pavel sa Novokuznetsk pati na ang bahay ng mga kamag-anak niya sa ibang lugar. Bahagi ito ng raid ng mga pulis na tinatawag na “Armagedon.” Dinala si Pavel at ang asawa niya para sa interogasyon sa Barnaul, isang lunsod na 350 kilometro ang layo sa bahay nila. Sinampahan siya ng kasong kriminal at inakusahang nagsasagawa ng mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon at inilagay sa temporary detention
Mayo 28, 2021
Pinalaya mula sa detention at pinagbawalang magbiyahe
Agosto 12, 2022
Nagsimula ang paglilitis