Pumunta sa nilalaman

Si Brother Yevgeniy Yegorov

ABRIL 1, 2021 | UPDATED: PEBRERO 17, 2023
RUSSIA

UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | Gustong Alisin ng Hukuman ng Russia ang Kalayaang Sumamba ni Brother Yevgeniy Yegorov

UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | Gustong Alisin ng Hukuman ng Russia ang Kalayaang Sumamba ni Brother Yevgeniy Yegorov

Noong Pebrero 17, 2023, hinatulan ng Birobidzhan District Court of the Jewish Autonomous Region si Brother Yevgeniy Yegorov at pinatawan ng dalawa’t-kalahating taóng suspended prison sentence. Hindi niya kailangang makulong sa ngayon.

Noong Oktubre 3, 2022, binaligtad ng Court of the Jewish Autonomous Region ang hatol nito kay Yevgeniy. Kasunod ito ng desisyon ng Ninth General Jurisdiction Court of Cassation na ibalik ang kaso sa Court of the Jewish Autonomous Region para sa ikalawang apela. Ipapadala ngayon ang kaso niya sa Birobidzhan District Court of the Jewish Autonomous Region para sa muling paglilitis.

Noong Nobyembre 25, 2021, hindi tinanggap ng Court of the Jewish Autonomous Region ang apela ni Yevgeniy. Nananatili pa rin ang hatol sa kaniya. Hindi niya kailangang makulong sa ngayon.

Noong Hunyo 21, 2021, hinatulan ng Birobidzhan District Court of the Jewish Autonomous Region si Yevgeniy at pinatawan ng dalawa’t-kalahating-taóng suspended prison sentence.

Profile

Yevgeniy Yegorov

  • Ipinanganak: 1991 (Birobidzhan)

  • Maikling Impormasyon: Pinalaki ng nanay at lola. Nag-aral ng electrical engineering. Nagtatrabaho bilang locksmith at repairman. Mahilig magbasa at magsulat. Nakapaglathala ng isang nobela at isang koleksiyon ng mga tula. Nabautismuhan bilang Saksi ni Jehova noong 2005. Napangasawa si Kseniya noong Setyembre 2019. Nagkaroon sila ng anak na lalaki noong Agosto 2020

Kaso

Noong Mayo 2018, hinalughog ng mga Federal Security Service (FSB) agent ang maraming bahay sa Birobidzhan. Bago ang kasal niya, pinaratangan si Yevgeniy ng “mga krimen” dahil sa pananampalataya niya at pagbabasa ng Bibliya. Pinagbawalan siyang bumiyahe. Pagkatapos ng kasal ni Yevgeniy, pinaratangan din ang nanay niya, si Larisa Artamonova. Noong Disyembre 2019, nagsimula ang paglilitis kay Yevgeniy sa Birobidzhan District Court.

Sinabi ni Yevgeniy na mas napalapít siya ngayon kay Jehova. Ikinuwento niya: “Sa pinakamahihirap na sitwasyon, pinakalma ako ni Jehova at binigyan ng ‘lakas na higit sa karaniwan.’”—2 Corinto 4:7.

Kahit tinutulungan siya ni Jehova, alam ni Yevgeniy na kailangan pa rin niyang maghanda sa mental, emosyonal, at espirituwal na paraan para sa mga puwedeng mangyari sa hinaharap. Sabi niya: “Para sa akin, napakahalagang patibayin ko ang kaugnayan ko kay Jehova, anuman ang kalagayan ko.”

Sa kabila ng mga pag-uusig, nagtitiwala tayo na sina Yevgeniy at Kseniya, kasama ang lahat ng kapatid natin sa Russia, ay mapapalakas ng Awit 10:17: “Pero pakikinggan mo ang kahilingan ng maaamo, O Jehova. Patatatagin mo ang puso nila at pakikinggan silang mabuti.”