Pumunta sa nilalaman

Si Brother Valeriy Rabota

MARSO 29, 2024 | UPDATED: HULYO 10, 2024
RUSSIA

UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | “Hindi Ako Nag-aalala o Natatakot”

UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | “Hindi Ako Nag-aalala o Natatakot”

Noong Hulyo 10, 2024, hinatulan ng Khabarovsk District Court of the Khabarovsk Territory si Brother Valeriy Rabota at pinatawan ng anim-na-taóng suspended prison sentence. Hindi siya makukulong sa ngayon.

Profile

Nagpapasalamat tayo sa halimbawa ng pananampalataya ni Valeriy, at alam natin na babantayan siya ni Jehova at ang lahat ng nananatiling tapat sa Kaniya.—Awit 37:28.

Time Line

  1. Marso 1, 2022

    Sinampahan ng kasong kriminal

  2. Marso 3, 2022

    Hinalughog ang bahay niya. Pinagtatanong siya at inilagay sa isang temporary detention center

  3. Marso 5, 2022

    Inilipat sa isang pretrial detention center

  4. Hunyo 29, 2022

    Pinalaya mula sa pretrial detention center at inilagay sa house arrest

  5. Oktubre 7, 2022

    Pinalaya mula sa house arrest at pinagbawalang umalis ng kanilang lugar

  6. Mayo 11, 2023

    Nagsimula ang paglilitis