PEBRERO 1, 2023 | UPDATED: AGOSTO 1, 2023
RUSSIA
UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | “Hindi ang Kalagayan Ko ang Kailangang Baguhin”
Noong Hulyo 28, 2023, hinatulan ng Kovrovskiy City Court of the Vladimir Region si Brother Boris Simonenko at sinentensiyahan ng dalawang taon at pitong buwan sa bilangguan. Pero sa haba ng pretrial detention niya at pagkabilanggo sa sariling bahay, natapos na niya ang sentensiyang ito. Hindi siya makukulong sa ngayon.
Profile
Nakatitiyak tayo na patuloy na tatanggap si Boris at ang pamilya niya ng lakas at kagalakan habang nananatili silang malapít kay Jehova.—1 Cronica 16:27.
Time Line
Pebrero 8, 2021
Palihim na inirekord ng mga awtoridad ang mga tawag ni Boris sa telepono para magsimula ng imbestigasyon
Pebrero 17, 2021
Hinalughog ang bahay niya. Sumailalim sa interogasyon at inilagay sa temporary detention
Pebrero 18, 2021
Sinampahan ng kasong kriminal. Inakusahan ng pagdaraos ng mga pulong ng mga Saksi ni Jehova sa Internet. Inilagay sa pretrial detention
Hulyo 13, 2021
Pinalaya sa pretrial detention at inilagay sa house arrest
Pebrero 17, 2022
Pinalaya mula sa house arrest at pinagbawalang magbiyahe
Setyembre 15, 2022
Nagsimula ang paglilitis