Pumunta sa nilalaman

Si Brother Andrey Perminov at ang asawa niyang si Natalya

OKTUBRE 26, 2022 | UPDATED: NOBYEMBRE 22, 2022
RUSSIA

UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | “Kahit Ano, Matitiis Ko sa Tulong ng Diyos”

UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | “Kahit Ano, Matitiis Ko sa Tulong ng Diyos”

Noong Nobyembre 21, 2022, hinatulan ng Asha City Court of the Chelyabinsk Region si Brother Andrey Perminov at pinatawan ng anim-na-taóng suspended prison sentence. Hindi pa siya makukulong sa ngayon.

Time Line

  1. Hunyo 11, 2021

    Hinalughog ang mga bahay ng limang pamilya ng mga Saksi ni Jehova, kasama na ang bahay ni Andrey, sa mga lunsod ng Asha at Minyar. Kinumpiska ng mga awtoridad ang maraming personal na ari-arian

  2. Nobyembre 10, 2021

    Pinagbawalang magbiyahe

  3. Abril 27, 2022

    Inakusahan na kabilang sa isang ekstremistang organisasyon at isinama sa listahan ng mga terorista

  4. Hunyo 6, 2022

    Nagsimula ang paglilitis

Profile

Gaya ni Andrey, lalakas din ang loob natin kung iisipin natin kung paano tinulungan ni Jehova ang tapat na mga lingkod niya noon. Lubos tayong nagtitiwala sa pangako ng Diyos: “Gaya ng ginawa ko noon, papasanin ko kayo at ililigtas ko kayo.”—Isaias 46:4.