Pumunta sa nilalaman

Si Brother Boris Yagovitov at ang asawa niyang si Nataliya

SETYEMBRE 30, 2022
RUSSIA

UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | Labanan ang Pagkasira ng Loob sa Tulong ng Positibong Saloobin

UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | Labanan ang Pagkasira ng Loob sa Tulong ng Positibong Saloobin

Noong Oktubre 10, 2022, hinatulan ng Solnechniy District Court of the Khabarovsk Territory si Brother Boris Yagovitov at pinatawan ng limang-taong suspended prison sentence. Siyam na buwan siyang nasa pretrial detention. Agad siyang inilabas at hindi kailangang makulong sa ngayon.

Time Line

  1. Disyembre 14, 2020

    Sinuri ng mga imbestigador ang mga audio recording ng pag-uusap ni Boris at ng isang secret agent na nagpanggap na interesado sa Bibliya.

  2. Mayo 14, 2021

    Sinampahan ng kasong kriminal si Boris. Inakusahan siya ng pakikibahagi sa mga pulong ng isang ekstremistang organisasyon at nagre-recruit ng bagong mga miyembro

  3. Hunyo 5, 2021

    Pinagtatanong kasama si Nataliya habang hinahalughog ang kanilang bahay. Pagkatapos inilagay siya sa temporary detention

  4. Hunyo 7, 2021

    Pinalaya mula sa temporary detention at inilagay sa house arrest

  5. Disyembre 29, 2021

    Nagsimula ang paglilitis. Noong panahon ng hearing, iniutos ng prosecutor na ilagay si Boris sa pretrial detention pagkatapos sabihin na nilabag ni Boris ang mga kondisyon ng house arrest. Inilagay siya ng mga pulis sa pretrial detention

  6. Pebrero 24, 2022

    Ibinalik ang kaso sa prosecutor dahil nilabag ng mga imbestigador ang ilang proseso. Pero hindi pinalaya si Boris sa pretrial detention

  7. Hunyo 9, 2022

    Muling nagsimula ang paglilitis

Profile

Mahusay na halimbawa sina Boris at Nataliya dahil nagsisikap silang isipin ang mga bagay na matuwid at kapuri-puri. Nagtitiwala tayo na patuloy na sasakanila “ang Diyos ng kapayapaan.”​—Filipos 4:8, 9.

a Noong inihahanda ang artikulong ito, si Brother Yagovitov ay nasa pretrial detention. Hindi posibleng makuha ang mga komento niya.