Pumunta sa nilalaman

Si Sister Olga Zhelavskaya

ENERO 17, 2023| UPDATED: ABRIL 17, 2023
RUSSIA

UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | “Laging Malapit sa Akin si Jehova”

UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | “Laging Malapit sa Akin si Jehova”

Noong Abril 17, 2023, hinatulan ng Metallurgicheskiy District Court of Chelyabinsk si Sister Olga Zhelavskaya at pinatawan ng dalawang-taóng suspended prison sentence. Hindi siya makukulong sa ngayon.

Profile

Sigurado tayo na anumang pagsubok ang maranasan natin, ‘hindi matitinag’ ang mga lingkod ni Jehova dahil sa maibiging suporta niya.​—Awit 16:8.

Time Line

  1. Hunyo 16, 2018

    Nilagyan ng mga awtoridad ng audio at video surveillance ang bahay ni Olga para subaybayan siya at ang mga gawain niya

  2. Marso 26, 2019

    Hinalughog ang bahay dahil sa imbestigasyon kay Brother Vladimir Suvorov

  3. Agosto 31, 2021

    Sinampahan ng kasong kriminal. Inakusahan ng pagsuporta sa mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon dahil ginaganap ang mga pulong sa bahay niya

  4. Oktubre 22, 2021

    Na-stroke at naospital

  5. Setyembre 28, 2022

    Nagsimula ang paglilitis