Pumunta sa nilalaman

Si Brother Aleksey Kupriyanov at ang asawa niyang si Yelena

PEBRERO 16, 2023 | UPDATED: SETYEMBRE 21, 2023
RUSSIA

UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | “Lalo Kong Napahalagahan ang mga Paglalaan ni Jehova”

UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | “Lalo Kong Napahalagahan ang mga Paglalaan ni Jehova”

Noong Setyembre 15, 2023, hinatulan ng Kovrovskiy City Court of the Vladimir Region si Brother Aleksey Kupriyanov at sinentensiyahang mabilanggo nang isang taon. Pero sa haba ng pretrial detention niya at pagkabilanggo sa sariling bahay, natapos na niya ang sentensiya sa kaniya. Hindi siya makukulong sa ngayon.

Profile

Determinado rin tayong gamitin ang mga paglalaan ni Jehova, na tutulong sa atin na ‘isuot ang kumpletong kasuotang pandigma’ para ‘maging matatag sa kabila ng tusong mga pakana ng Diyablo.’—Efeso 6:11.

Time Line

  1. Pebrero 17, 2021

    Hinalughog ng mga pulis ang pitong bahay ng mga Saksi ni Jehova, kasama na ang bahay ng mga Kupriyanov. Pinagtatanong ang 23 kapatid

  2. Hunyo 28, 2021

    Sinampahan ng kasong kriminal. Inakusahan ng pakikibahagi sa mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon dahil sa pagdalo sa mga pulong

  3. Hulyo 8, 2021

    Hinalughog ang bahay sa ikalawang pagkakataon. Pinagtatanong at inilagay sa temporary detention

  4. Hulyo 9, 2021

    Inilipat sa pretrial detention center

  5. Nobyembre 19, 2021

    Pinalaya mula sa pretrial detention at inilagay sa house arrest

  6. Hunyo 21, 2022

    Pinalaya mula sa house arrest pero binigyan ng mga restriksiyon sa mga lugar na puwedeng puntahan at mga bagay na puwedeng gawin

  7. Oktubre 4, 2022

    Nagsimula ang paglilitis